Hindi para sa italic text
Hindi na natin ginagamit ang
tag para gawing italic ang text. Sa
HTML5, may semantic meaning na ang tag na ito; hindi na lang ito ginagamit para ibahin ang
styling ng text.
Nagiging italic pa rin ang text sa loob ng
tags para sa
karamihan ng browsers by default. Pero this time, may dahilan na kung bakit. At higit sa
lahat, puwedeng-puwede itong baguhin gamit ang CSS.
Examples
Ang mga susunod ay mga halimbawa kung saan puwedeng gamitin ang

tag para sa semantic meaning nito.

Text na sarcastic ang tono.
Wow. Ang ganda.
Ang aga mo ha? ’Di ba alas-singko ang usapan natin?

Mga salitang hiram mula sa ibang wika. Kapag hiram mula sa ibang wika ang salita,
maglagay din ng
lang
attribute para i-indicate kung saang wika ito galing.Et cetera (Latin)
Nous pardonneras-tu ô chère mère? (French)

Mga scientific name ayon sa taxonomy.
Homo Sapiens (Tao)
Canis Familiaris (Aso)

Mga jargon o technical terms.
Document Object Model (isang concept mula sa mga browser)
Application Programming Interface (API)

Kapag kausap ng isang tauhan ang sarili niya sa isip niya.

Kinabahan si Marina nang mapagtanto niya ang bigat ng kaniyang sinabi. Na-offend kaya siya sa sinabi ko? Paano ko kaya siya haharapin kapag nagkita na kami bukas?

Alternatives
Sa ilang kaso, baka hindi
ang kailangan mo. Pansinin ang susunod na
mga halimbawa.

Kung magbabago ang tono ng boses as emphasis kapag binasa ito, gamitin
ang

para i-emphasize ang text.Bakit ba, eh ayaw ko nga?

Kung importante at/o urgent ang text, gamitin ang

tag.Warning: Deleting an item is irreversible. Continue?

Kung nasa same paragraph ang definition ng isang technical term, gamitin ang
<dfn>
tag at i-define ang term sa parehong paragraph.
Ang animation ay isang technique sa filmmaking kung saan mina-manipulate ang mga larawan para maging palabas.

Kung for styling lang ang pagiging italic ng text, Gumamit ng

o

tag at i-style ito gamit ang css.Italic text