Sa mga word document, kapag kailangang i-emphasize ang isang salita o pangungusap, gumagamit lang tayo ng italics at bold font weight. At ideally, ganito lang din kadali sa mga web pages. Pero dahil naka-focus ang HTML sa semantics ng mga web page, kailangan nating maging mas specific. Kung sa bagay, hindi lang naman kasi mga tao ang uma-access ng mga website natin. At hindi rin lahat ng users natin ay visual gaya ng mga gumagamit ng assistive technologies. [Ano ito?]
Sa HTML, marami tayong tags na ginagawang italic o bold ang mga text natin. Pero tandaan
na naka-focus ang HTML sa meaning ng content, hindi sa styling o design. Ang

, at

ang mga tags na kadalasang napagbabali-baligtad dahil ginagawa
nilang italic o bold ang text. Pero kaya tayo madalas ma-confuse sa mga ito ay dahil
hindi natin alam talaga kung para saan sila.
Mga text na italicized
Kung may gusto tayong i-italicize o i-bold na text, kailangan muna nating isipin kung bakit natin gustong gawin iyon. Isang dahilan para dito ay emphasis. Sa HTML, may dalawa tayong nire-recognize na emphasis: ang stress emphasis, at ang importance at urgency.
Sa stress emphasis, ini-indicate natin sa bumabasa na kailangan niyang
baguhin ang pagbigkas ng mga salita o phrases. Ibig sabihin, nasa pagbasa ang emphasis;
dapat, kapag binabasa ang text, maririnig sa tono, bilis ng pagsasalita, at lakas ng
boses na mahalaga ang isang part ng text. Para sa gaanitong type ng emphasis, ang
ginagamit natin ay

Pansinin ang example na ito.

I wanted to see him. I didn't believe what they told me. He cannot be dead, and just like that?

By default, italicized ang salitang cannot
sa paragraph na ito gamit ang

tag. Pero hindi natin dapat gamitin ang

kung gusto lang nating gawing italicized ang text. Sa
halimbawang audio na ito, pansinin kung paano bibigkasin ang salitang cannot
para
ipahiwatig sa nakikinig na nasa salitang ito ang emphasis.
Kaya hindi dapat gamitin ang
para lang gawing italics ang
formatting ng text. Kapag ito ang ginawa natin, baka biglang mabago ang kahulugan ng
nakasulat nang hindi natin sinasadya.
Para saan naman ang
element? Bago ang HTML5, ginagamit na
talagang pang-italicize ang
element; wala itong ibang trabaho
noon kundi gawing italicized ang text. Pero sa HTML5 na ginagamit natin ngayon, hindi na
ito totoo.
Ginagamit na natin ngayon ang
element para sa mga bahagi ng text
na iba ang characteristics kumpara sa iba pang content na nakapalibot dito. Kasama rito
ang mga scientific names ng mga organism, pangalan ng chemicals, mga technical term o
jargon, at mga terminolohiyang galing sa ibang wika.

Ang aso (canis familiaris) ang tinaguriang "man's best friend".

Sa example na ito, pansinin na ginamit natin ang
tag para sa
canis familiaris na isang scientific name para sa aso. Ginamit din natin ang tag
para sa phrase na man’s best friend dahil galing ito sa English na iba
sa Filipino na gamit ng paragraph. Pansinin na gumamit tayo ng
lang
attribute para i-indicate ang wika ng text, na sa kasong ito ay
English (en

Hindi tayo gagamit dito ng
dahil hindi naman natin gustong
i-emphasize ang mga salitang ito. Gusto lang nating i-indicate na may kaibahan in some
way ang mga text na ito kumpara sa iba pang bahagi ng paragraph o content.
Puwede ring gamitin ang
para sa creative writing. Halimbawa,
puwedeng gamitin ang
tag kapag kinakausap ng isang tauhan sa
kuwento ang sarili niya sa isip niya.

Kinabahan si Marina nang mapagtanto niya ang bigat ng kaniyang sinabi. Na-offend kaya siya sa sinabi ko? Paano ko kaya siya haharapin kapag nagkit na kami bukas?

Alam niyang kailangan niyang maging matatag sa paparating na mga araw.

Isa pang kaso kung saan puwedeng gamitin ang
ay para mag-indicate
ng sarcasm. Ang sarcasm ay isang statement na kabaligtaran ang kahulugan sa
aktuwal na sinabi para magparating ng inis, pang-iinsulto, o kawalan ng paniniwala.

Sa wakas, dumating din si Hannah pagpatak ng alas-siete ng gabi.

"Wow, ang aga mo," sabi ni Kenneth. "Alas-singko ang usapan natin 'di ba?"

Parehas na nire-render ng browser ang
at

bilang italicized text by default, pero hindi dapat gamitin ang
mga ito para lang sa italics. Sa mga kaso kung saan kailangan natin ng italics para lang
sa styling at aesthetics, o kung hindi naman angkop ang
at

, puwede tayong gumawa ng CSS class at ikabit ito sa text na gusto
nating i-italicize gamit ang
o

Ito ay isang paragraph. Naglalaman ito ng isang generic na text.

.italic {
font-style: italic;

Bold text
May at least dalawang tags sa HTML na ginagawang bold ang text: ang

at
. Kagaya ng

at
, hindi dapat gamitin ang dalawang ito
dahil lang nagiging bold ang text nila. Ginagamit sila para sa meaning na ini-indicate
nila para sa mga browser.
Ginagamit ang
para i-indicate na mahalaga ang isang part ng
text. Hindi gaya ng
, hindi kailangang magbago ang pagbigkas o
pagbasa sa text na nasa
tag dahil ini-indicate lang nito na
mahalaga, seryoso, o urgent ang text. Pansinin ang halimbawang ito.

Sa ilang mga shelter, pinapayagang makipaglaro ang mga tao sa mga hayop. Pero dapat tandaan ng mga bumibisita na hindi puwedeng pakainin ang mga hayop. Tanging mga bantay at staff lang ang puwedeng magpakain sa kanila.

Sa paragraph na ito, nilagay natin sa
ang babala na huwag
pakakainin ang mga hayop sa zoo dahil mahalagang malaman ito ng mga mambabasa. Sa ilang
kaso, puwedeng ito pa nga ang gusto nating una nilang makita, kaya ito naka-bold by
default.
Heto pa ang isang use case para sa
. Sa example na ito,
nakapaloob sa
tag ang salitang “Babala” dahil mahalaga na
mapansin ito.

Babala! Ayon sa Philippine Web Accessibility Group, puwede kang idemanda kung hindi accessible ang website mo.

Kumusta naman ang
? Bago ang HTML5, talagang para lang sa
pagbo-bold ng text ginagamit ang
. Pero sa HTML5, nagkaroon na ng
bagong gamit ang
. Ayon sa HTML specification:
The b
element represents a span of text to which attention is being
drawn… without conveying any extra importance and with no implication of an
alternate voice or mood.
Mula sa definition nito sa official HTML standard, ginagamit dapat ang

element para sa mga salitang gusto nating mapansin kaagad ng
mambabasa pero hindi mahalaga o urgent gaya ng sa
element,
at hindi rin kailangang magbago ang pagbabasa o pagbigkas gaya sa

Puwedeng gamitin ang
element para sa ilang mga kaso. Kasama rito
ang mga product name sa isang user review o mga salitang kailangang tandaan ng isang
player ng isang text adventure.

Puwedeng gamitin ang
element para i-markup ang mga salitang
hindi urgent o hindi nangangailangan ng pagbabago sa tinig ng boses ng nagbabasa
pero kailangang tandaan ng user. Sa screnshot na ito mula sa larong Genshin Impact,
puwedeng gamitin ang
element para i-markup ang mga salitang
naka-highlight.
Puwede ring gamitin ang
para i-markup ang mga
lede o lead ng isang paragraph sa isang article.
Kadalasan, hina-highlight ang unang sentence sa mga news article, at puwedeng gamitin
dito ang
element.

Gregoria de Jesus Elementary School, wagi sa pambansang patimpalak sa radio broadcasting

Nagwagi ng tropeo at ₱ 50,000 ang grupo ng limang mag-aaral sa ilalim ng patnubay ni Gng. Jemimah Mendoza. Naglabas ng opisyal na pahayag ang Gregoria de Jesus Elementary School na nagpapasalamat at bumabati sa mga magagaling na mag-aaral. Tumagal ang training ng mga estudyante nang limang buwan bilang paghahanda sa patimpalak kung saan kalaban nila ang sampung iba pang paaralang nagwagi sa semi-finals noong Hulyo.

Paano naman kung aesthetic choice lang ang pagbo-bold ng text? Paano kung wala naman talaga tayong gustong ikabit na meaning sa mga salita pero gusto natin itong naka-bold? Puwede tayong gumamit ng CSS.

Bold text. Regular text.

.bold {
font-weight: bold;

Ang totoo, puwede nating baguhin ang styling ng mga tags. Puwede nating gawing
underlined ang
sa halip na bold, o gawing iba ang kulay ng

sa halip na naka-italicized. Ang trabaho ng HTML ay magbigay ng
semantic meaning sa text, hindi baguhin ang hitsura o styling nila.
Underline
Bago ang HTML5, ginamit natin ang
para maglagay ng salungguhit o
underline sa mga salita. Pero ngayon, hindi na ito ginagamit para lang maglagay ng
underline. Sa katunayan, hindi na masyadong ginagamit ang

element.
Sa HTML5, ginagamit na ang
element para sa mga non-textual
annotation. Halimbawa nito ay ang mga pulang underline sa mga salitang mali ang
ispeling. Kung gumagawa ka ng isang text editor web app, puwede mong balutin sa

element ang mga salitang mali ang ispeling. Puwede ring gamitin
ang
element para sa
proper name mark.Footnote
Pero pansinin na baka kailangan mo ring i-customize ang styling ng

element para ipahiwatig ang dahilan kung bakit naka-underline ang
isang salita. Sa mga text editor, karaniwan nang may pulang wavy underline ang mga
salitang mali ang spelling, at asul naman ang mga salitang mali ang grammar. Para dito,
kailangan mong gumamit ng CSS at mga classes.

This is a very big oceans. We can get a lot of fish in this see.

.wrong-grammar {
text-decoration: underline 1px wavy blue;

.wrong-spelling {
text-decoration: underline 1px wavy blue;

Iba pang markup
May iba pang mga tag na puwede mong gamitin para sa mga kasong hindi sakop ng mga tag na nabanggit na.
Definitions
Halimbawa, ginagamit ang <dfn>
tag para ipahiwatig na nasa paragraph
ang definition ng isang salita. Para gamitin ito, ilagay sa <dfn>
ang
salitang ide-define, at ipaliwanag ang kahulugan nito sa paragraph kung nasaan ang
salitang iyon.

Ang <dfn>proper name mark</dfn> ay isang uri ng punctuation mark sa Chinese na ginagamit para i-indicate sa mambabasa na ang salita ay pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari. Sa atin sa Filipino at English, katumbas ito ng capitalization sa mga tiyak na pangngalan.

Highlight
Ginagamit naman ang
para i-highlight ang isang part ng text na
nire-reference sa iba pang bahagi ng page. Isang halimbawa nito ay mga coding tutorials.
Sa mga tutorials, madalas na itinuturo ng author kung anong line ng code ang
pinapaliwanag ng paragraph. Sa mga ganitong kaso, magandang gumamit ng

para makita kaagad ng mambabasa kung anong part ng code ang
tinutukoy ng tutorial.

Sa susunod na code example, ise-set natin ang display ng container para maging flex container ito. Pansinin na puwedeng baguhin ang direksyon ng flex items gamit ang flex-direction property.

.container {
display: flex;
flex-direction: column;
gap: 1rem;

Puwede ring gamitin ang
para i-highlight ang occurences ng
isang search query. Sa susunod na code sample, nag-search ang user ng salitang “kitten”.
Kuha ang example na ito sa HTML Living Standard.

I also have some kittens who are visiting me
these days. They're really cute. I think they like my garden! Maybe I
should adopt a kitten.

Ang halaga ng semantics
Sa totoo lang, hindi naman talaga natin kailangan ang HTML bilang tao. May kakayahan tayong alamin ang semantics ng mga binabasa natin depende sa context. Gumagamit lang tayo ng HTML dahil gusto nating maintindihan ng browser ang structure ng content natin para maayos itong mai-display sa viewport, malagyan ng styling gamit ang CSS, maka-extract ng data na kailangan ng mga assistive technologies, search engines, at mga kagaya nito. Hindi na natin dapat ginagamit ang HTML para lang baguhin ang styling ng content; trabaho iyan ng CSS.
Kapag sumusulat ng HTML markup, pag-isipan muna kung bakit isang specific ng tag ang
gagamitin mo. Bakit ka gumagamit ng
? Gusto mo lang bang
gawing bold ang text, o talagang mahalaga o urgent ang content na ilalagay mo? Bago
gumamit ng isang tag, tingnan muna kung may iba pang tag na mas angkop para sa gusto
mong gawin, at kung purely aesthetic lang ang gusto mong mangyari, mas magandang gumamit
ng
o

na may
class
attribute at i-style ito gamit ang CSS.