Ano ang Baseline?
Nagbibigay ang Web Platform Baseline ng malinaw na information tungkol sa mga bagong web platform features na puwede nang amgamit sa mga production sites. Isa itong common agreement sa pagitan ng mga browser vendors at iba pang involved sa Web Standards.
Makikita ang Baseline sa maraming articles, lalo na sa mga bago, sa MDN Web Docs, Can I Use, at web.dev
Sa mga infographic ng Antares Programming, makikita ang icons ng Baseline para malaman ninyo ang status ng bawat web feature.
Ang mga Baseline widget
Limited Availability
Kapag Limited Availability ang isang feature, ibig sabihin, hindi pa ito supported sa pinakagamitíng mga browser. Hindi pa ito gagana sa maraming devices
Baseline
2023
Newly Available
Kapag Newly Available ang isang feature, simula sa naka-indicate na taon, gumagana na ang feature na ito sa lahat ng latest devices at web browser versions
Kapag Newly Available na ang feature, puwede mo na itong aralin at gamitin sa mga website, pero kailangan mong maglagay ng fallback para sa mga mas lumang browser.
Baseline
Widely Available
Kapag Widely Available ang isang feature, gumagana ang feature na ito sa maraming browsers at devices. Nagiging Widely Available ang isang feature kapag 30 months na ito sa Newly Available status.
Kapag Widely Available na ang isang feature, puwede mo na itong gamitin sa mga production-level na apps at websites.
Google Chrome: Not supported
Microsoft Edge: Not supported
Firefox: Not supported
Safari: Not supported
Microsoft Edge: Not supported
Kapag nakita mo ang icon na ito : katabi ng isang browser, ibig sabihin, hindi pa supported ng browser ang feature sa kahit anong version nito.
Google Chrome: Limited support
Microsoft Edge: Limited support
Firefox: Limited support
Safari: Limited support
Microsoft Edge: Limited support
Kapag nakita mo ang icon na ito : katabi ng isang browser, ibig sabihin, supported na ang feature pero sa pinakabagong mga version pa lang ng browser. Kailangan magbigay ng fallback para sa mga mas lumang browser.
Google Chrome: Supported
Microsoft Edge: Supported
Firefox: Supported
Safari: Supported
Microsoft Edge: Supported
Kapag nakita mo ang icon na ito : katabi ng isang browser, ibig sabihin, widely supported na ang feature para sa browser na ito.